Omicron variant, malaki ang posibilidad na maging dominant COVID-19 strain sa Pilipinas – WHO

Nagbabala ang World Health Organization (WHO) na maaaring palitan ng Omicron variant ang Delta bilang dominanteng strain ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ito ang kinumpirma ni WHO Representative to the Philippines Dr. Rabrindra Abeyasinghe kasunod ng naitalang dalawang biyahero mula Nigeria at Japan na nagpositibo sa Omicron variant.

Ayon kay Abeyasinghe, malaki ang posibilidad na palitan ng Omicron variant ang Delta variant katulad ng pag-take over dati ng Delta sa Alpha at Beta variant.


Sa kabila nito, pwede naman aniyang paliitin ang epekto ng Omicron variant sa pamamagitan ng pagbabakuna sa vulnerable population ng bansa.

Bagama’t mahalaga para kay Abeyasinghe ang pagtuturok ng booster shot sa mga fully vaccinated individual ay iginiit nitong bigyan muna ng proktesyon laban sa COVID-19 ang mga hindi pa bakunado.

Facebook Comments