Ipinaliwanag ng Hong Kong University research team na mas mabilis ng 70 na beses ang pagpaparami ng Omicron variant kumpara sa Delta variant.
Ayon kay Dr. Michael Chan Chi-Wai, hindi sa baga kundi sa ilong at lalamunan mas nagtatagal ang bagong variant.
Dahil dito, mas higit na nakahahawa ang Omicron kaysa sa Delta dahil lumilipat ito sa ibang tao habang nagsasalita, sumisigaw, bumabahing, umuubo, o dumudura.
Samantala, kung nakapasok naman sa baga ay mas mabagal ito ng sampung beses kumpara sa orihinal na virus kung kaya’t mas kakaunti ang mga pasyenteng umaabot sa severe o critical na kalagayan.
Gayunpaman, malaki pa rin ang posibilidad na magkaroon ng mga malubhang sakit na hahantong sa kamatayan dahil sa bilis ng hawaan ng virus.
Facebook Comments