Omicron variant ng COVID-19, nakapasok na rin sa Bicol Region

Kinumpirma ng Department of Health (DOH)-Bicol na nakapasok na rin sa rehiyon ang Omicron variant.

Isang 27-anyos na pasyente mula sa Bombon, Camarines Sur ang naitalang unang kaso ng Omicron variant sa Bicol.

Siya ay nagtatrabaho sa isang pribadong opisina sa Manila.


Ayon sa DOH-Bicol, asymptomatic naman ang pasyente at fully vaccinated ng Sinovac kung saan siya ay gumaling na rin.

Isa ring 46-taong gulang na babaeng nagtatrabaho sa isang eskwelahan ang pangalawang kaso ng Omicron sa Bicol.

Ang pangalawang kaso ay unang nagpositibo sa Delta variant pero sa ikalawang swab test ay nagpositibo ito sa Omicron variant.

Siya ay nakaranas ng mild symptoms noong November 16, 2021.

Facebook Comments