Omicron variant, wala pang ebidensya na mas nakakamatay at vaccine resistant

Posibleng mas nakakahawa o highly transmissible ang bagong Omicron COVID-19 variant kaysa sa Delta variant.

Paliwanag ng infectious diseases expert na si Dr. Edsel Salvana kay Pangulong Rodrigo Duterte, sa paunang indikasyon ay posibleng mas mild ang epekto ng bagong variant na ito.

Isa aniya sa katangian nito ay posibleng mas nakahahawa o mas transmissible kaysa sa Delta variant.


Gayunman, wala pang indikasyon na mas nakamamatay at mas malala ang magiging kondisyon ng tatamaan nito.

Naniniwala rin si Dr. Salvana na ang mga bakuna ay makapagbibigay pa rin ng proteksyon laban sa severe case ng COVID-19.

Sa pinakahuling findings kasi, ang Omicron variant ay ang most mutated virus spike protein na may mahigit 30 iba’t ibang mutations na maaaring makaapekto sa bisa ng bakuna.

Lumalabas din sa findings na gagana pa rin o makaka-detect pa rin ang antigen test at RT-PCR ng Omicron variant.

Facebook Comments