Mock polls para sa halalan 2022 ngayong buwan, dapat i-reschedule

45

Dapat i-reschedule ng Commission on Elections (COMELEC) ang mock polls na gaganapin sa Disyembre 29, 2021 para sa eleksyon 2022.

Ayon kay Legal Network for Truthful Elections (LENTE) Lawyer Ona Caritos, mayorya sa publiko ang nagbabakasyon pa sa mga petsang iyon.

Aniya, mas makakabuti kung ire-reschedule ang mock polls sa una o ikalawang linggo ng Enero para mas maraming Pilipino ang makakalahok dito.


Sa ganitong paraan, mas magkakaroon ng magandang assessment ang COMELEC sa kung paano gagawing ligtas ang Halalan 2022 sa gitna ng nararanasang pandemya.

Una nang nagsagawa ang COMELEC ng mock polls sa lungsod ng San Juan kung saan dinaluha ito ng higit kumulang 4,000 indibidwal.

Facebook Comments