Hindi pa maituturing sa ngayon na ‘variant of concern’ ang Omicron XE na unang na-detect sa UK noong Enero at kamakailan lamang ay nakapagtala na rin ng unang kaso sa Thailand.
Ang Omicron XE ay kombinasyon ng BA.1 at BA.2 sub-variant ng Omicron.
Ayon sa mga eksperto, ito ay sampung bases na mas nakahahawa kumpara sa BA.2 na siyang dahilan ng nangyayaring COVID-19 surge ngayon sa maraming bansa sa buong mundo.
Sabi ni OCTA Research fellow Dr. Butch Ong, base sa mga inisyal na pag-aaral, mild symptoms lamang ang epekto ng Omicron XE sa mga tinatamaan nito.
Kasabay nito, nanawagan si Ong sa publiko na magpabakuna na at magpaturok ng booster shots.
Facebook Comments