Nawawalang pari na natagpuang nakagapos sa Cavite, magbibigay lang ng pahayag kung papayagan ng Diocese of Imus

122

Magbibigay lang ng pahayag ang pari na napaulat na nawawala at natagpuang nakagapos sa Cavite kung pahihintulutan ito ng Diocese of Imus.

Ayon kay Rosario Police Chief Police Col. Ruther Saquilayan, hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakausap ng mga imbestigador si Father Leoben Peregrino.

Pinawi naman ni Saquilayan ang mga haka-hakang may kinalaman sa sabong ang pagkawala ng pari matapos na makita sa CCTV footage ang kanyang sasakyan sa bisinidad ng isang sabungan.


Aniya, napadaan lamang si Fr. Peregrino sa General Trias Cockpit Arena para makaiwas sa traffic.

Wala ring nakita ang pulisya na kahit sinong bumubuntot sa sasakyan ng pari.

Sa ngayon, hindi pa rin makausap si Fr. Peregrino dahil na rin sa trauma.



Facebook Comments