ON-AND-OFF | Kathryn Bernardo, aminadong on-and-off ang relasyon kay Daniel Padilla

Manila, Philippines – Aminado ngayon ang teen star na si Kathryn Bernardo na on-and-off ang relasyon nila ni Daniel Padilla.

Nabatid na naging usap-usapan sila nitong nagdaang araw matapos na aminin ang totong estado ng kanilang relasyon.

Say ni Ka th, hindi naging madali na magkaroon ng boyfriend na isang artista at malaking hamon daw ito para sa kaniya.


Dagdag pa ni Kathryn, hindi din daw maiwasan na minsan ay nagkakaroon ng misunderstanding pero choice daw nila na maayos ito at hindi nila pinapalipas ang isang araw na mayroon silang tampuhan.

Ayaw na din ng dalawa na gawing isyu at palakihin pa ang naging comment ni Sharon Cuneta sa kanyang instagram post noong August 12, kung saan sinabi niyang alam niyang mamahalin niya si Kathryn pero irreplaceable sa puso niya ang tambalang Joshua Garcia at Julia Barretto.
Sa ngayon, ini-enjoy lang nila ang isa’t-isa at umaasa sila na sabay silang mag-go grow at mananantiling intact sa isa’t-isa hindi lamang sa showbiz maging sa personal na buhay.

Facebook Comments