Kasalukuyan nang isinasagawa ang drilling ng itatayong water pumping station na magsusuplay sa island barangay ng Dagupan City.
Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay PAMANA Water Dagupan Spokesperson Margarita Navata, dumaan sa masusing pag-aaral ang paglalagak ng mga underwater pipes dahil “challenging” umano ang paglalagay nito sa ilog.
Bukod dito, napapakinabangan na umano ng mga residente sa Sitio Tocok sa Lucao at Sitio Talaeb sa Carael ang underwater installation kaya unti-unting natugunan ang suplay ng tubig sa lugar.
Sa kasalukuyan, hindi pa umano tiyak kailan matatapos ang drilling para water pumping station para sa mga residente mula Brgy. Calmay hanggang dulong bahagi ng Brgy. Lomboy. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments