On-going palay procurement sa Luzon, binisita ng NFA acting administrator

Personal na binisita ni National Food Authority (NFA) acting administrator Larry del Rosario Lacson ang ilang probinsya sa Luzon na pangunahing source ng bigas.

Layon ni Lacson na makita ang epekto ng bagong ipinatupad na pricing scheme partikular sa mga probinsya ng Bulacan, Tarlac at Nueva Ecija.

Ayon kay Lacson mula nang pasimulan ang pagbili ng palay sa mas mataas na presyo noong Lunes, pinipilahan na anila ng mga magsasaka ang mga bodega nito para magbenta ng kanilang produkto.


Paliwanag pa ni Lacson ang bagong pricing scheme na inaprubahan ng NFA Council sa huling pagpupulong ay nagmarka ng bagong panahon para sa pagbili ng NFA ng palay.

Itinaas kamakailan ng NFA Council ang presyo ng pagbili sa fresh palay mula ₱17 hanggang ₱23 at clean and dry palay sa ₱23 at ₱30 kada kilo.

Ang clean and dry o malinis at tuyong palay ay dapat hindi bababa sa 90% pure at moisture na hindi hihigit sa 14%, habang ang fresh at wet ay dapat may moisture range na 22-29.9%.

Puspusan na ang pamimili ng palay ng NFA sa local farmers ngayong harvest season para mapalakas ang buffer stocks nito.

Facebook Comments