On-site installation ng RFID stickers, isasagawa sa San Juan City Hall

Magsasagawa ng on-site na pagdidikit ng radio frequency identification (RFID) stickers sa lungsod ng San Juan.

Sa Facebook post ni San Juan Mayor Francis Zamora, magkakaroon ng on-site AutoSweep RFID installation sa San Juan City Hall.

Target naman na malagyan ng RFID stickers ang 2,000 motorista sa lungsod kung saan “first come, first serve” ang basis.


Bago naman magpunta sa city hall para sa pagpapakabit ng RFID stickers, pinaalalahanan naman ng lokal na pamahalaan ang mga residente na huwag kalimutan na dalhin ang “proof of residency” ng San Juan, nasagutang form na maaaring ma-download sa website ng Autosweep, at eksaktong halaga na ₱200.

Facebook Comments