Manila, Philippines – Mula sa 19,045 na job seekers na nagpalista sa Labor Day Job fair sa ibat ibang Job fair sites sa buong bansa, nasa 23.4% o katumbas ng 1,195 ang hired on the spot habang 2,307 ang nag-aantay na lamang ng tawag ng interesadong kompanya.
Batay sa datos ng DOLE, sa Quezon City lamang, 48 ang hired on the spot habang 17 ang mga lalaki at 31 mga babae na pasok bilang mga Baggers, Service Crew, Office Staff, Admin at Accounting Staff.
Sa QC, 59 na mga employer ang nakibahagi sa job fair na kinabibilangan ng 18 Overseas at 41 sa lokal
Nangunguna sa mga patok na bakanteng trabaho ay ang Data Encoders, Service Crew, Janitors, Baggers, Sales Clerk at ang Dti na nangangailangan din ng tinatayang 300 empleyado
Sa kabuuan sa, Aabot sa 13,828 ang nagbakasakaling makahanap ng trabaho sa lokal habang 3,054 ang nagbakasaling palarin sa trabaho sa ibayong dagat sa mga limang job fair sa Metro Manila gayundin sa Laguna, Cebu at Bacolod City
may 5,363 ang nainterview. At Mula sa naturang bilang, 3,597 ang qualified sa local at 1,540 sa overseas.