NBA | Curry, babalik na sa game 2 kontra New Orleans Pelicans.

Oakland – Posibleng maglaro para sa defending champion Golden State Warriors ang kanilang pambatong guard na si Stephen Curry sa game 2 ng kanilang second round series kontra New Orleans Pelicans.

Ayon kay Warriors’ head coach Steve Kerr – nagsimula nang mag ensayo si Curry kasama ang ilang player ng Golden State kaya malaki ang tsansa na bumalik na ito sa kanilang line-up.

Maaalalang noong pang March 23 huling naglaro si Curry matapos magkaroon ng sprain sa kaniyang MCL.


Pero kahit wala si Curry sa court, tila hindi naman siya kailangan ng Golden State nang talunin nila sa opening round ang San Antonio Spurs.

Panalo rin ang Warriors sa Game 1 matapos nilang tambakan ang Pelicans, 123-101.

Facebook Comments