Once a day religious gathering, may “go” signal na mula sa IATF

Pagsimba ngayong Semana Santa, pinayagan na ng IATF ang “once a day” religious gatherings mula Abril 1 hanggang 4.

Dahil dito, ang mga religious denominations ay kinakailangan sundin at ipatupad ang mga sumusunod na karagdagang mga controls bukod pa sa mga dating ginagawang hakbang bilang pag-iingat sa kumakalat na COVID-19 habang sila ay nagsasagawa ng kanilang mga religious services o activities.

Una, kinakailangang sundin ang maximum indoor seating capacity na 10% sa lahat na oras.


Hinihikayat din na ang pagpasok sa mga simbahan o venues ay sa pamamagitan ng reservation upang matiyak na masusunod ang 10% capacity.

Pangalawa, bawal ang pagtitipon-tipon o pagsasagawa ng religious activities sa labas ng simbahan o venue.

Pangatlo, upang maiwasan ang pagititipon-tipon ng mga tao sa labas ng simbahan, ipinagbabawal ang paggamit ng audio video system sa labas ng simbahan o venue habang mayroong misa o worship service.

Pang-apat, ang live singing kung mayroon ay striktong lilimitahan at hinihakayat ang recorded singing.

Panghuli, hinihikayat na ang pag-attend sa mga religious activitiy sa pamamagitan ng iba’t ibang online platforms.

Facebook Comments