One COVID-19 Referral Center, ililipat sa mas malaking venue

Tiniyak ng Department of Health (DOH) ang mas maayos at pinagbuting serbisyo ng One COVID-19 Referral Center oras na mailipat na ang headquarters nito sa mas malaking venue.

Ayon kay Treatment Czar at Health Undersecretary Leopoldo Vega, nakagawa na ng kasunduan ang pamahalaan na ilipat ang referral center’s headquarters sa Philippine International Convention Center (PICC) mula sa Metro Manila Development Authority (MMDA) complex.

Aniya, 85 katao ang itatalaga bilang call center agents sa referral center matapos makapasa sa interview.


Maliban dito, mas marami na ring linya ng telepono ang binuksan matapos ang pagsasaayos ng kanilang center’s system.

“Siguro po mga middle of May, we will transfer and we will be able to provide you a better service and a better functionality. Kasi we hope na this will not just be for COVID but even in post-COVID, we will have a national referral system all over the Philippines, connecting the different hospitals, LGU for access and even for financial services that are needed by the patient,” ani Vega.

Ang One COVID-19 Referral Center, na mas kilala noon bilang One Hospital Command Center ay nagbibigay tulong sa COVID-19 patients na makahanap ng pagamutan.

Facebook Comments