One Health Pass ng Bureau of Quarantine at DOTr One Stop Shop, kailangan ng mga pasahero sa kanilang flight ayon sa CAB

Naglabas ng abiso ang Civil Aeronautics Board (CAB) sa lahat ng local at international airlines na nag-ooperate sa Ninoy Aquino International Airport at iba pang international airport sa bansa kaugnay ng One Health Pass ng Bureau of Quarantine at DOTr One Stop Shop para sa maginhawa at maluwag na paggalaw ng mga manlalakbay.

Ayon sa CAB, epektibo ngayong buwan ng Setyembre 2021 ay kailangang sumunod ang mga airline sa mga direktiba ng Bureau of Quarantine at ng DOTr One Stop Shop sa paggamit ng One Health Pass.

Paliwanag pa ng CAB, inaprubahan ng IATF ang rekomendasyon ng Technical Working Group na resolution 135 Series of 2021 na naglalayon na maayos at maginhawa ang paglalakbay ng mga pasahero mula sa mga bansa na kanilang pinanggalingan at sa mga local na pamahalaan na kanilang pupuntahan.


Dagdag pa ng CAB na ang One Health Pass ay tumutukoy sa declaration form ng isang pasahero.

Dapat umanong tiyakin din ng airlines na ang kanilang mga pasahero ay sumunod sa mga kinakailangan sa pagpaparehistro sa One Health Pass bago sumakay ng eroplano.

Ayon naman sa Public Affairs Office (PAO) Head ng Manila International Airport Authority (MIAA) na si Connie Bungag na ang mga pasahero ay may pagkakataong mag-apply online bago ang nakatakdang paglipad.

Maaari din mag-apply online ang isang pasahero para sa One Health Pass kung nakalimutan niya ito habang siya ay nasa paliparan para sa nakatakda flight schedule.

Facebook Comments