Umaabot sa 1,120 na tawag kada araw ang tinatanggap ng One Hospital Command ng Department of Health (DOH) para humingi ng tulong kaugnay sa COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Leopoldo Vega, 60 percent o karamihan sa mga tumatawag ay naghahanap ng quarantine facilities o kaya naman ay nagpapatulong sa home isolation.
Pero ang kaibahan aniya ngayon ay home isolation at quarantine ang kailangan ng mga ito at hindi referrals ng mga hospital at intensive care units na naranasan noong nakalipas na taon.
Sinabi pa ni Vega na muli nilang binuksan ang mga isolation at quarantine facility para agad magamit sakaling mas tumaas pa ang bilang ng mga tatamaan ng COVID-19.
Facebook Comments