DOH, naniniwalang mas mataas pa ang tunay na bilang ng mga COVID-19 positive sa bansa

174

Naniniwala ang Department of Health (DOH) na mas mataas pa ang tunay na bilang ng mga positibo sa COVID-19 sa bansa kumpara sa mga naiuulat.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi kasama sa daily reported cases ang mga positibo sa COVID-19 Antigen tests na ginagamit ng karamihan sa atin.

May mga tao rin aniya na ayaw nang sumailalim sa COVID-19 testing at sa halip ay nag-iisolate na lamang kapag nakaramdam ng sintomas.


Sa kasalukuyan, nasa 78,000 ang average na isinasagawang RT-PCR tests kada araw sa buong bansa.

Facebook Comments