‘One-legged basketball player’, nagpabilib sa hardcourt

227
COURTESY: MARK ANTHONY ANDAYA / FACEBOOK VIDEO

Kahit may kapansanan, hindi nagpaawat ang isang basketball player sa Apalit, Pampanga.

Hindi naging sagabal ang kakulangan ng isang paa ni Angelito Lumba, na naka-saklay sa laro, para makipagsabayan sa hard court.


Mismong si dating Philippine Basketball Association (PBA) player Mark Anthony “Big Mac” Andaya ang nagbahagi sa social media ng video ng tinagurian niyang “one-legged” basketball player.

Hiling ni Big Mac na maging inspirasyon sa lahat si Lumba na huwag sumuko sa buhay.

“I hope you are all inspired, because I am very very inspired,” aniya.

Facebook Comments

From Advertisers