“One month to go” meme ni Jose Mari Chan, viral sa internet

Tuwing papasok ang Setyembre, muling nabubuhay ang mga memes ng beteranong mang-aawit na si Jose Mari Chan.

Dahil madalas pinapatugtog sa mall at establisyimento ang pamaskong kanta ni Chan, naging senyales ito ng mga Pinoy na papalapit na ang yuletide season.

Kaya naman isang buwan bago sumapit ang tinaguriang “ber months”, lumalabas na ang teaser memes ng premyadong musikero.


Sa Facebook post ni Lee Rafael, makikita ang larawan ni Chan kasama si Mariah Carey at may caption na “ready na ang playlist ko!!!”

Biro ni Jebi Tiong Dela Cruz, 31 araw na lang at bibida na ulit si Jose Mari Chan.

Sa tanong na “who would have thought na ber months na starting next month?”, heto ang sagot ni Twitter user @grgangeles:

Ayon kay netizen Tito Miggy, kantang-kanta na si Jose Mari Chan.

Facebook Comments