One on one interview ni Presidential Spox kay PRRD muling ipinagpaliban

74

Sa ikalawang beses muling ipinagpaliban ang nakatakda sanang one on one interview ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo kay Pang Rodrigo Duterte ngayong gabi.


 

Sa short message ni Sec Panelo sinabi nitong ang pangulo ay feeling under the weather.

 

Ang “feeling under the weather” idiomatic expression na nangangahulugang not feeling well o hindi maganda ang pakiramdam.

 

Sinabi pa ni Panelo na marami kasing naging pagpupulong at mga tinapos na dokumento si Pang Duterte kagabi kaya’t sumama ang pakiramdam nito.

 

Una nang itinakda ang one on one interview nuong Jan 22 na ipinagpaliban sana ngayong araw Jan 28 at sa ngayon hindi pa tinutukoy ng Palasyo kung kailan ang specific date ng tête-à-tête nila Spox Panelo at Pang Duterte.

Facebook Comments