Tatay, nakapag-post pa sa FB bago magpakamatay

2563

Paalala: May ilang sensitibong bagay ang naisulat sa artikulong ito. Importante ang patnubay sa mga menor de edad o wala pa sa tamang disposisyon na maaring makabasa ng ganitong istorya.

Patay na ang isang 39-anyos na tatay nang matagpuan ng kanyang anak sa loob ng kanilang kwarto, matapos itong magbigti gamit ang kawad ng kuryente.


Nangyari ang trahedya sa Ignacio St.Bacug, Brgy. Daanghari, noong Lunes, Enero 20.

Ayon sa ulat, bandang alas 12:05 ng madaling araw nang mabasa ng anak ang post ng biktima sa Facebook.

“PANGINOON, tulungan mo ako sa hindi ko magandang gagawin,” saad sa post ng biktima.

Dali-dali raw na tinakbo ng anak ang kwarto ng tatay nang mabasa ang post ngunit dito na umano bumluga ang wala ng buhay na ama.

Nakabigti ang biktima gamit ang kawad ng kuryente nang masaksihan ng anak nito.

Nagawa pang humingi ng tulong ang bata sa kaniyang mga kaanak para maitanggal sa pagkakasabit ng ama.

Naisugod pa sa Navotas City ang bitima ngunit kaluna’y idineklara ring patay.

(Sa mga nakararanas ng depresyon, huwag mag-alinlangang sumangguni sa malalapit na kaibigan at espesyalista.

Maari ring tumawag sa “Hope Line” ng Natasha Goulbourn Foundation na katuwang ng Department of Health (DOH):

(02) 804-HOPE (4673)
0917-558-HOPE (4673) or (632) 211-4550
0917-852-HOPE (4673) or (632) 964-6876

Facebook Comments