Manila, Philippines – Inihayag ngayon ng Palasyo ng Malacañang na nakatakdang mag one on one sina Pangulong Rodrigo Duterte at Catholic Bishops Conference of the Philippines President Davao Archbishop Romulo Valles.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, ito ang napag-usapan nila ni Papal Nuncio Gabriel Giordano Caccio sa kanilang pagkikita kagabi sa selebrasyon ng Pope’s Day sa Papal Nuncio Residence sa Maynila.
Sinabi ni Roque na nagkasundo silang dalawa na kailangang magtulungan ang estado at ang simbahang Katoliko para sa ikagaganda ng buhay ng mga Pilipino.
Welcome din aniya sa Papal Nuncio ang mga susunod pang pulong ng mga taga simbahan kay Pangulong Duterte.
Wala pa namang sinabi si Roque kung kailan gagawin ang pilong ni Pangulong Duterte at Archbishop Valles.
Matatandaan na isa si Roque sa mga inatasan ni Pangulong Duterte na kausapin ang mga religious groups para ipaliwanag sa mga ito ang panig ng Pangulo at alamin ang kanilang mga hinaing at sentimyento.