One-seat-apart policy sa mga pampublikong sasakyan, mas madaling ipatupad ayon sa JTF COVID-Shield

Pabor ang Joint Task Force (JTF) COVID-Shield sa bagong polisiya na one seat apart sa mga pampublikong transportasyon.

Sinabi ni JTF COVID-Shield Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar, mas madali para sa mga law enforcer na ipatupad ang one seat apart policy.

Hindi na kasi nila kakailanganin pang magdala ng metro para sukatin ang isang metrong distansya sa mga pagitan ng mga pasahero.


Kapag kasi nakita na bakante ang pwesto sa tabi ng isang pasahero ay pasok na ito sa one seat apart policy.

Para kay Eleazar, alam niyang pinag-aralan ang bagong polisya at ikinunsidera hindi lang ang kalusugan maging ang ekonomiya.

Matatandaang una nang inaprubahan ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatupad ng one seat apart policy kapalit sa one-meter physical distancing policy.

Samantala, inutusan na rin ang JTF COVID-Shield na regular na i-monitor ang mga pampublikong sasakyan kung nasusunod pa rin ang mga health protocol.

Facebook Comments