One-side parking pupuntiryahin ng DILG kasunod ng pagpapatupad ng version 2.0 road clearing ops

Mahigpit ang bilin ng Department of Interior and Local Government o DILG sa barangay officials na linisin ang mga obstruction sa kalsada.

Sa version 2.0 road clearing operation ng DILG bukod sa illegal vendors target din malinis ang mga illegal parking.

Sa pag-iikot ng DZXL RMN Manila sa Scout Area sa Quezon City karamihan sa mga kalsada ay mag nakaparadang sasakyan lalo na sa mga kainan.


Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año dapat masolusyonan ito ng mga barangay chairman kung hindi, sila ay makakasuhan.

Noong version 1.0 ng clearing operation may mga mayor ang kinasuhan ng DILG.

Sinabi ni Año na kung mag papatupad ng one-side parking maari sigurong gawin tulad ng sa ibang bansa.

Maaring mag-park kapag malalim na ang gabi pero pag dating ng umaga dapat malinis na ang kalsada para madaanan nang maayos ng ibang sasakyan.

Facebook Comments