One Strike, No Take Policy, ipatutupad ng PNP at PCSO kontra illegal gambling

Magiging magkatuwang ang Philippine National Police (PNP) at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa pagpapalakas ng kampanya laban sa iligal na sugal.

Kaugnay nito inanunsyo ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., na ipatutupad ng PNP ang “one strike, no take policy”

Ayon kay Acorda ang patakarang ito ay makakasiguro na masusunod ang doktrina ng command responsibility.


Aniya, ang regional director, provincial director, city director hanggang sa local at unit commander ay maaring sampahan ng administratibong kaso kung sa loob ng isang buwan sa kanilang pag-upo ay hindi masasawata ang iligal na sugal sa kanilang nasasakupan.

Ani Acorda, ang mga unit na ito ang responsable sa pangangalap ng intel, pag-iimbestiga, at paglulunsad ng operasyon laban sa iligal na sugal.

Kaugnay nito, minobilisa na ng PNP ang kanilang mga Regional/Provincial/City Anti-Illegal Gambling Special Operations Task Groups para ipatupad ang PNP Anti-Illegal Gambling Campaign Plan: Operation High Roller.

Facebook Comments