Paaalala ni Philippine National Police (PNP) Director for Operations Police Maj. General Valeriano de Leon sa lahat ng mga Chiefs of Police sa buong bansa na maging agresibo sa pagpapatupad ng kampanya kontra ilegal na sugal.
Ito ay sa harap ng mga ulat ng patuloy na operasyon ng mga “peryahan ng bayan” sa kabila ng direktiba mula kay Executive Secretary Salvador Medialdea at PCSO Chairperson Royina Garma na nagbabawal sa operasyon ng mga ito.
Sinabi ni De Leon, umiiral parin ang “one strike policy” ng PNP sa kampanya kontra sa ilegal na sugal.
Babala ni De Leon, irerekomenda niya kay PNP Officer in Charge Police Lt. General Vicente Danao Jr., ang agarang pagsibak sa mga commander na hindi mapahinto ang mga “peryahan ng bayan” sa kanilang lugar.