Senator-elect Cayetano, sasama sa majority bloc kung siya ang magiging chairman ng Senate Blue ribbon Committee

767

Maaring sumapi sa Senate majority bloc si Senator-elect Alan Peter Cayetano kung pagbibigyan ang hiling niya na maging chairman ng Blue Ribbon Committee.

Sinabi ito ni Cayetano kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na siyang inaasahang uupong senate president sa papasok na 19th Congress.

Paliwanag ni Cayetano, nais niyang pamunuan ang Blue Ribbon Committee na dati niyang pinamunuan para magampanan ang kanyang trabaho bilang fiscalizer.


Diin ni Cayetano, mahirap kung bigyan siya ng ibang magandang kumite pero wala, kakaunti o watak watak ang magbabantay sa Marcos Administration.

Ang Blue Ribbon Committee ay naialok na at tinanggap na ni Senator Francis Tolentino.

Facebook Comments