One-Strike Policy, ipatutupad ng Manila LGU laban sa mga tiwaling traffic enforcers

Nagbabala si Manila Mayor Isko Moreno na ipatutupad niya ang one-strike policy laban sa mga tiwaling tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB).

Kasunod ito ng pagkakadakip sa isang suspek na nagpanggap na traffic enforcer ng Maynila at nangongotong sa truck drivers na dumaraan sa R-10 sa Tondo.

Sinabi ng alkalde na sino mang traffic enforcer ng lungsod na mahuhuling nangongotong at gumagawa ng mga iregularidad ay tatamaan ng one-strike policy.


Ang naturang pekeng traffic enforcer ay nakuhanan pa ng uniporme ng MTPB.

 

Hinimok naman ni Moreno ang mga nabiktima ng pangongotong ng suspek na kasuhan ito.

Facebook Comments