Makati City – Nagbabala si Makati City Mayor Abby Binay sa mga may-ari ng mga establisyemento sa Makati City na ipatutupad nito ang one strike policy kung saan agad na ipasasara ang kanilang mga establisyemento kapag nahulihan ng ilegal na droga ang mga parokyano.
Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay sinabi ni Binay na ang naturang polisiya ay bahagi ng kanilang undertaking kung saan ay hindi na kailangan pa ng ordinansa para ipatupad ang naturang patakaran.
Paliwanag ng alkalde na ang one strike policy ng Makati City Government ay mahigpit na ipinatutupad kapag nahulihan ng ilegal na droga ang mga bars at club ay agad na isasara ni Binay at wala aniya siyang pakialam kung dala ng isang kustomer ang naturang ilegal na droga.
Giit ni Binay sa ganitong paraan aniya ay mababawasan kung hindi pa tuluyang maubos ang mga gumagamit ng ilegal na droga sa lungsod.