UPDATE | Recovery flight ng PAL lilipad pa Middle East ngayong umaga

Kasunod nang ilang flight cancellations bunsod ng runway closure dahil sa pagsadsad ng Xiamen airlines sa NAIA runway.

Naglaan ang Philippine Airlines ng recovery flights para sa mga na-stranded na Overseas Filipino Workers (OFW).

Sa abiso ng PAL lilipad ang PR Flight PR5654 Manila- Riyadh- Dammam mamayang 11:45 ng umaga at dadating sa Riyadh ng 4:20 pm at dadating naman sa Dammam ng 6:55 pm.


Habang ang PR5683 ay nakatakda namang lumipad pa Riyadh mamayang 5:50 ng hapon darating ng 8:35 ng gabi sa Dammam at lalapag sa NAIA bukas ng 11:35 ng umaga (August 23).

Payo ng PAL, ang mga pasaherong hindi nakatanggap ng notification na kasama sila sa recovery flights mamaya ay inaabisuhan munang makipag-ugnayan sa PAL hotline sa numerong 855 8888.

Kinakailangan din munang makakuha ng booking confirmation bago magtungo sa paliparan dahil limitado lamang ang number of seats.

Facebook Comments