One strike policy, muling ipinaalala sa police commanders na may tauhang tiwali

Nagpaalala si Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Dionardo Carlos sa police commanders na hindi siya magdadalawang isip na ipatupad ang one strike policy ng PNP kung may mga tauhan sila na masangkot sa katiwalian.

Ginawa ni PNP chief ang paalala matapos na masangkot sa pagnanakaw ang walong tauhan ng Crime Investigation and Detention Group (CIDG) sa Pampanga ng nakaraang linggo.

Ayon kay General Carlos, kapag may mga pulis na mahuling sangkot sa katiwalian, ang kanilang supervisor at squad leader ay awtomatikong kasama sa imbestigasyon.


Habang ang chief of police na nakakasakop sa mga ito ay papatawan ng administrative relief.

Para kay PNP chief, ang mga police commander na hindi kayang disiplinahin ang kanilang mga tauhan ay walang silbi sa organisasyon, na parang patay na sanga ng puno na kailangang putulin.

Facebook Comments