DOH, nakapagtala ng higit 14,000 na panibagong kaso ng COVID-19 ngayong araw

Nakapagtala ng 14,546 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Pilipinas ngayong araw.

Mababa ito kumpara sa 16,953 na kaso kahapon.

Dahil dito, umabot na sa 3, 560, 202 ang kabuuang kaso sa bansa kung saan 190,818 ang aktibong kaso.


Nadagdagan naman ng 26,500 ang mga gumaling kaya sa kabuuan ay 3,315,381 na ang recoveries.

Samantala, sumampa na sa 54,003 ang mga nasawi matapos madagdagan ng 112 ngayong araw.

Lahat ng mga laboratoryo ay operational noong January 29 habang may tatlong laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System.

Facebook Comments