ONE TIME BIG TIME | Distribusyon ng Pantawid Pasada fuel card, sabay-sabay na ipamimigay ngayong araw

Inanunsyo ng LTFRB na ngayong araw na ang one time big time na pamamahagi ng Pantawid Pasada fuel card sa buong bansa.

Sa kalatas ng LTFRB, sinabi nito na ito na ang huling hirit para sa pamimigay ng subsidiya para sa taong 2018.

Ang distribusyon ng fuel card para sa Central Office sa NCR ay gagawin sa LTO East avenue Quezon City.


Ito ay mula alas nuwebe ng umaga hanggang alas singko ng hapon.

Kabilang sa mga maaring mag-claim ay mga operator-drivers na nakapangalan ang prangkisa.

Kung may mga katanungan ay maari lamang kontakin ang pinakamalapit na regional office para sa karagdagang impormasyon.

Facebook Comments