Magsasaka sa Santiago City, Arestado sa Pagnanakaw!

*Santiago City- *Bagsak kulungan ang isang magsasaka matapos isilbi ang warrant of arest nito kahapon sa Brgy. Baluarte Santiago City.

Kinilala ang akusado na si Merlito Padagas, 39 anyos, walang asawa at residente ng naturang lugar.

Nadakip si Padagas sa bisa ng mandamyento de aresto na ipinalabas ni hukom Efren Cacatian, ng RTC 2nd Judicial Region Branch 35 dahil sa kaso nitong Pagnanakaw.


Nasa kustodiya na ng PNP Santiago City ang suspek na mahaharap sa kanyang kaso.

Pansamantala itong makakalaya kung makakapaglagak ng kaniyang pyansa na nagkakahalaga ng dalawampu’t apat na libong Piso.

Facebook Comments