"One-Time, Big-Time" operation, ikinasa sa Pasay City; Aabot sa 20 residente, arestado

Pasay City – Aabot sa dalawampung residente ang dinala ng pulisya sa presinto sa “One-Time, Big-Time” operations na ikinasa sa Pasay City.

Ilan sa mga naaresto ay nahulihan ng iligal na droga, ang iba nakunan ng baril, habang marami ang naabutang umiinom ng alak sa kalsada o walang damit pantaas.

Samantala, lima naman sa mga nahuli sa malawakang operasyon ng pulis sa Pasay ay pawang mga menor de edad na lumalabag sa ordinansang curfew.


Ang “One Time, Big Time” operation ay bahagi ng anti-criminality efforts ng pulisya sa siyudad.

Facebook Comments