One way traffic scheme, ipatutupad sa isang kalsada sa Valenzuela City simula sa Lunes

Valenzuela City – Naglabas ng abiso ang lokal na pamahalaan ng Valenzuela na simula sa susunod na linggo, limitado na lamang ang oras na maaaring dumaan ang mga truck sa Que Grande St. mula corner F. Bautista St. hanggang Que Balag St. Barangay Ugong.

Tuwing weekdays simula Oktubre 2, pagpatak ng 11:30am-12:30pm at 5:00pm-6:30pm, ipatutupad na ang One Way Traffic Scheme at ipagbabawal nang makadaan ang mga truck sa nabanggit na lugar.

Para sa mga light vehicles na manggagaling sa Ugong proper, pinapayuhan na dumaan sa Hillside subdivision patungong Que Balag Street.


Para naman sa mga trucks at iba pang malalaking sasakyan, makabubuting dumaan na lamang sa F. Bautista St. papuntang Sto Rosario St. patungong Tatalon St. o vice versa.

Facebook Comments