Malabo umanong gawing one-way ang traffic system sa EDSA at C5 road bilang solusyon sa matinding trapiko sa Metro Manila.
Sa isang news forum sa Quezon City, sinabi ni dating MMDA Executive director retired lieutenant general Florencio Fianza na iba ang road system sa Metro Manila kaya hindi uubra ang one-way traffic system.
Giit ni Fianza, pupwede ang nasabing sistema sa isang grid road system tulad ng mga kalsada sa New York City kung saan ay one way ang lahat ng kalsada doon.
Binigyang-diin ni Fianza, kung ipapatupad ang one-way traffic system sa EDSA at C5 road ay kailangang baguhin ang road system sa pamamagitan ng pagsasagawa ng engineering project.
Problema rin aniya ang mga pedestrian at drivers na walang disiplina at maikli ang pasensya.