ONESTORE HUB NA SUSUPORTA SA MGA MSMEs, INILUNSAD NA SA SAN FERNANDO CITY, LA UNION

Inilunsad ng lokal na pamahalaan ng San Fernando ang one store hub na siyang suporta sa Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) at iba pang lokal na produkto sa People’s Hall.
Katuwang sa programa ang Department of Science and Technology. Ipinakilala ang OneSTore Hub noong 2016 bilang isang paraan ng digital marketing.
Bukod sa pisikal na puwesto, isinasama ang e-commerce sa operasyon ng MSMEs na makatutulong sa pagdami ng mga kliyente at oportunidad nila.

Sa ngayon, mabibili na rin ang mga lokal na produkto natin sa website ng DOST na oneSTore.ph. Binasbasan din ang opisyal na OneSTore Hub sa La Union Trade Center. |ifmnews
Facebook Comments