Ongpin St. sa Binondo, Maynila, isinara na sa mga motorista kaugnay ng nalalapit na Chinese New Year

51

Isang araw bago ang bisperas ng Chinese New Year, isinara sa daloy ng trapiko ang Ongpin St. sa Binondo, Maynila.

Bunga nito, mabigat na ang daloy ng trapiko mula pa lamang sa tapat ng Manila City Hall paakyat ng Jones Bridge patungo ng Binondo.


Dagsa rin ang mga mamimili sa mga tindahan ng pampaswerte o lucky charms at sa mga bangketa na may tindang bilog na prutas.

Ilang mga opisyal naman ng barangay ang nag-iikot sa Chinatown para matiyak na susunod ang health protocols sa mga pamilihan partikular ang social distancing.

Una nang nagpalabas ng direktiba ang Manila City LGU na nagbabawal sa pagsasagawa ng street dance, parada at iba pang selebrasyon sa mga kalsada o plaza.

Facebook Comments