ONION FARMING SA LALAWIGAN NG PANGASINAN, PLANONG ISAILALIM SA CORPORATE FARMING

Plano ngayon ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan na isailalim sa corporate farming ang pagtatanim ng sibuyas sa probinsya.
Ito ay ayon sa Pangasinan Provincial Agriculture Office kung saan kanila nang pinag-aaralan ang pagsasailalim sa pagtatanim ng sibuyas sa naturang proseso.
Layon ng pagsasailalim sa pagtatanim ng sibuyas sa corporate farming ay upang mas maraming matulungan ang pamahalaan na mga magsasaka dahil maraming mga benepisyo ang maaaring makuha rito.

Isa pa sa layunin ng pag-aaral na ito ay upang masiguro na hindi malulugi ang mga magsasaka sa pagtatanim ng sibuyas lalo’t mahal ang puhunan sa pagtatanim rito. |ifmnews
Facebook Comments