Para mabigyan pa ng sapat na kaalaman at paghahanda ang publiko laban sa lindol at iba pang volcanic and hydro-meteorological hazards, inilunsad na ngayon ng DOST-Phivolcs ang “HazardHunterPH” online application.
Ito ay kauna-unahang one-stop online application na makakapagbigay ng initial hazard assessment report ng seismic, volcanic at hydro-meteorological hazards.
Kasama na rin dito ang paliwanag at rekomendasyon ng mga government agencies.
Sa isang click lamang sa hazardhunter.georisk.gov.ph, kaya na nitong makakapagbigay ng tamang impormasyon na makakatulong sa paghahanda sa posibleng epekto sa pamamagitan ng pagbibigay ng accurate hazard assessment na mabilis at madali.
Magtutulungan sa proyekto ang DOST- Phivolcs, PAGASA, DENR-Mines Geosciences Bureau at DENR-National Mapping and Resources Information Authority at magbibigay ng up-to-date hazards information.
Ang lunching ng online application ay bilang paggunita sa nangyaring magnitude 7.8 earthquake sa Luzon noong 1990.