Cauayan City, Isabela- Nilinaw ng Philippine Statistics Authority (PSA) Isabela na ‘pilot testing’ lang ginawang Online Application para sa mga registrant’s ng Philippine ID System (PhilSys) o ‘National ID’.
Ito sana ay tugon sa Step 2 registration na dinadagsa ng mga nagpapatala para sa National ID.
Sa panayam ng iFM Cauayan kay Julius Emperador, Chief Statistical Specialist, target sana ng NEDA at PSA ang 16,000 na registrants online kada minuto subalit naitala nila 35,000 registrants at nagkaroon ng pagbagal sa online system.
Humihingi umano ng paumanhin ang pamunuan ng PSA sa publiko dahil sa ang ilan na nagnanais makapag rehistro ay hindi na nagawa pa dahil sa pagbagal ng system kung kaya’t hiniling ngayon sa international experts’ para madagdagan ang kapasidad ng mga magrerehistro.
Inabisuhan na rin ng ahensya ang lahat ng Barangay para sa mga susunod na hakbang ng PSA kung sakaling maayos na ang lumobong bilang ng mga registrants sa isinagawang pilot testing.
Paglilinaw ni Emperador na noong Abril 30 lamang ang online registration at hindi na ito nasundan pa dahil sa pagbagal ng system kung kaya’t pansamantalang suspendido ang online registration para sa National ID.