Online appointment scheme ng Bureau of Immigration, suspendido muna

Inanunsyo ng Bureau of Immigration (BI) ang pansamantalang pagsuspinde nila sa kanilang online appointment system para sa mga dayuhan.

Sa harap ito ng muling paglalagay sa Metro Manila at mga karatig na lugar sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Bunga nito, pinayuhan ng BI ang kanilang mga kliyenteng dayuhan na may appointment mula August 3 hanggang August 18, 2020 na mag-re-apply na lamang ng panibagong schedule ng kanilang transaksyon pagkatapos ng MECQ.


Sa ngayon kasi nasa skeletal workforce muli ang BI main office para tumanggap ng mga transaksyon ng mga dayuhan na nangangailangang lumabas ng bansa ngayong MECQ period.

Pinayuhan din ng BI ang mga papaalis na dayuhan na may pasong tourist visa, na magbayad na lamang ng kanilang visa extension fee sa paliparan.

Facebook Comments