Online appointment system, palalakasin pa ng Bureau of Immigration

Tiniyak ng Bureau of Immigration (BI) na mas palalakasin nila ang “online appointment system” kasunod ng pagdami ng bilang ng publiko na gumagamit nito.

Matatandaang nito lamang buwan ng Hunyo nang ipatupad ng BI ang kanilang online appointment system para masiguro na naipatutupad ang social distancing na isa sa mga health protocol para hindi kumalat ang COVID-19.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, inatasan na niya ang mga opisina ng BI na magpatupad ng isang sistema upang magpatupad ng magkakahiwalay na appointment para sa mga “accredited entities” na nagsusumite ng maramihang aplikasyon.


Paliwanag pa ni Morente, una rin itong hakbang para maiwasan ang person-to-person contact upang hindi kumalat ang virus kung saan mas mapapabilis nito ang kanilang serbisyo.

Target din ng BI na magpatupad ng mga online transactions sa hinaharap habang pinag-aaralan na rin nila kung paano magiging fully automated ang kanilang sistema.

Facebook Comments