Rain or Shine, tinalo ang San Miguel Beermen sa 2020 PBA Philippine Cup

43

Tinalo ng Rain or Shine Elasto Painters ang defending champ na San Miguel Beermen sa kanilang naging laro sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup sa Clark bubble.

Nanalo ang Rain or Shine sa score na 87-83 kung saan nanguna sa panalo ng E-Painters si Javee Movcon na may 25-points at 5-rebounds.

Nanguna naman sa Beermen si Marcio Lassiter na may 20-points pero hindi ito umubra para masungkit nila ang panalo.

Sunod naman makakaharap ng Elasto Painters ang team ng Terrafirma Dyip na dating Columbian Dyip sa Biyernes, October 16 sa ganap na alas-4:00 ng hapon.

Facebook Comments