Online at TNVS, sinasamantala ng mga sindikato ng ilegal na droga dahil sa COVID-19 pandemic – PDEA

Inihayag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na sinasamantala ng mga sindikato ng ilegal na droga ang paglakas ng demand sa mga online selling platform at Transport Network Vehicle Service (TNVS) ngayong may COVID-19 pandemic.

Sa pagdinig sa Kamara, sinabi ni PDEA Agent Aida Ferolino ang tungkol sa bentahan ng droga online, dahil sa pandemya kung saan ang mga drug personalities ay sinasamantala ang online platforms para makadiskarte sa pagbebenta ng ilegal na droga.

Inamin din ni Ferolino sa mga mambabatas na malaking pagsubok sa kanila at sa iba pang law enforcement agency ang drug transaction na ginagawa sa pamamagitan ng digital.


Aniya, gagawa at gagawa ng paraan ang mga sindikato ng ilegal na droga para makabenta sa ilalim na rin ng tinatawag na new normal na pamumuhay.

Sinabi pa ni Ferolino na ginagamit ng mga drug syndicate ang mga kilalang online shopping platform para i-deliver ang mga ilegal na droga kung kaya’t kanila na itong tinutukan sa ngayon.

Kaugnay nito, naka-aresto na sila ng dalawang drug personalities na ginagamit ang mga transport service sa pagpapadala nila ng ilegal na droga.

Facebook Comments