Online barter trade, ilegal; personal barter trade, pwede ayon sa DTI

Nagpaalala ang Department of Trade and Industry (DTI) na ilegal ang online barter-trading.

Ang barter-trading ay pagpapalit ng goods at services na hindi ginagamit ang salapi.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, nilalabag nito ang tax laws.


Nilinaw ni Lopez na pinapayagan ang personal barter transactions.

Bagama’t pinapayagan sa limitadong lugar sa Mindanao ang barter-trading, ipinagbabawal pa rin ito sa natitirang bahagi ng bansa.

Ang barter-trading ay pinapayagan lamang sa Sulu at Tawi-Tawi sa ilalim ng Executive Order no. 64 na nilagdaan noong 2018.

Dahil dito, plano na ng Pamahalaan na magkasa ng crackdown sa online barter trading.

Sa ngayon, wala pa silang natatanggap na reklamo hinggil sa barter-trading online.

Facebook Comments