Baguio, Philippines – Sa inabot na panukala ni Baguio City Councilor Betty Lourdes Tabanda, mga pampublikong komento at mga recommendasyon ay maaring gamitin ng gobyerno bilang pampublikong konsultasyon bago magpatupad ng mga batas, kung saan isa ito sa mga importanteng proseso na makakaapekto sa interest ng publiko at isa din itong hakbang para mapabuti ang pamamalakad ng gobyerno sa siyudad at magkaroon ng transparency sa publiko bago magpatupad ng ordinansa.
Sa umiiral na Community Quarantine sa siyudad, pansamantalang pinagbabawal ang mass gathering sa lungsod, kaya ilang mga ordinansa ay nakabinbin pa din sa para sa pampublikong kosultasyon.
Samantala, ang nasabing panukala ay inaprubahan na ng konseho noong lunes.
Facebook Comments