Sa kabila ng COVID-19 pandemic, tuloy ang gagawing online earthquake preparedness activities ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, isasagawa mamayang alas-2:00 ng hapon ang pressing ng ceremonial button via Zoom at live stream sa official Facebook account ng Civil Defense, hudyat nang sabay-sabay na pag-duck, cover and hold.
Kahapon, ini-ulat ng NDRRMC na mahigit 6,000 indibidwal ang nagrehistro para makiisa sa gagawing webinar on earthquake preparedness na inilunsad ng NDRRMC sa pamamagitan ng Office of Civil Defense bilang bahagi ng 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED).
Ang webinar ay mayroong nang 34 thousand views na layunin ay patuloy na mabigyang kaalaman ang publiko sa mga dapat gawin kapag may lindol lalo na ngayong may pandemya.
Nanawagan si Timbal sa publiko na makiisa mamaya sa gagawing online earthquake drill upang mas maging handa ang bawat pamilya.